#LaroTour: Ang Larong Nagwakas Sa Atin by Fe Esperanza Trampe

Ang-Larong-Nagwakas-Sa-AtinPages: 344

Goodreads Rating: 4.50 / 5 stars

My Rating: 4.5 / 5 stars

Genre: Young Adult Contemporary Romance

Publication Date: 2019

Publisher: Anvil Publishing

Summary:

Add to Goodreads

Mula pagkabata, buhay na ni Dennis Manansala ang paglaro ng chess. Dito lang siya siguradong magaling siya. Nang ilipat siya sa St. Louise de Marillac Academy o LdMA para sa high school, akala niya natukdukan na ito. Pero isang panibagong laro ang magsisimula nang makilala niya ang babaeng magpapaintindi sa kanya sa kahalagahan ng pamilya, pagkakaibigan, at pangarap.

Kinder pa lang, planado na ang buong buhay ni Esther Pamintuan. Para makapasok sa panagarap niyang university, mangunguna siya sa klase at magiging aktiba sa pahayagan ng LdMA. Ngunit nang hindi inaasahan, mapapasali siya sa laro ng chess at makikilala ang lalaki na magpapabago ng takbo ng mga plano niya.

Isang oras. Tigtatlumpung minuto sa orasan. Sa isang huling laro nakasalalay ang apat na taon ng pagsasamahan nina Dennis at Esther. Isa lang sa kanila ang magwawagi, gagawaran ng scholarship, at hihiranging Chess Player of the Year.

Sundan sina Dennis at Esther magbaliktanaw kung paano sila nagkatagpo, nagkalapit, at nagkaibigan.

Buy your copy at Anvil Publishing

My Review:

Review also posted on Goodreads

Thank you to the author, Ms. Fe Esperanza Trampe and Bookworms Unite PH / Inah of The Bibliophile Confessions for providing a copy in exchange for an honest review as part of the #LaroTour. 

Ang Larong Nagwakas Sa Atin ay tungkol sa dalawang high school Chess players na sina Dennis Manansala at Esther Pamintuan.

Simula pagkabata hilig na ni Dennis maglaro ng Chess at tinitingala niya ang kanyang ama dahil siya nagturo sa kanya kung paano laruin ito. Balang araw, gusto niya maging isa sa mga pinakamagaling na Chess player. Sumasali siya sa mga kompetisyon para maensayo at nakakakuha siya ng mga parangal. Bagong estudyante siya sa St. Louise de Marillac Academy at dito niya nakilala si Esther.

Si Esther ay isang masipag, masunurin at matalinong estudyante. Lubos akong humanga dahil napagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at pagsali niya sa mga aktibidades ng paaralan nila kagaya ng paglalaro ng Chess (na hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang larong ito) at sa opisyal na pahayagan. Alam niya kung ano ang gusto niyang tahakin sa buhay pero di maiiwasang magbago ang kanyang tadhana nung nagharap sila ni Dennis sa isang paliksahan sa huling taon nila bilang high school students. Ang mananalo sa kompetisyon ay makakakuha ng titulong Chess Player of the Year at scholarship na makakatulong sa kanila sa kolehiyo.

Habang binabasa ko ang nobelang ito, hindi ko maipagkakaila namiss ko ang buhay high school. Yung Intrams, Foundation Day, Retreat, Field trips, JS Prom, yung mga magandang alaala kasama ang mga kaklase ko at ang mga gurong na walang sawa na pagtuturo sa amin. Lahat yun bumalik dahil sa storya nina Dennis at Esther.

Maganda ang relasyon nina Esther at Dennis. Nagsimula sa pagkakaibigan hanggang sa nagustuhan nila ang isa’t isa. Magkakampi or magkalaban, nandoon ang respeto nila sa bawat isa. Hindi sila nagsisiraan sapagkat sila’y nagtutulungan. Magandang ehemplo sila sa mga kabataan dahil kahit may mga problema sila sa pamilya o kung saan man, hindi nawawala ang kanilang determinasyon upang makamit ang kanilang pangarap.

Bihira ako makabasa ng sports romance na may Chess. Marunong akong maglaro nito ngunit hindi ako kasing galing ng tatay ko. (Siya yung nagturo sa akin at lagi akong talo pag naglalaro kami. Haha!) Maganda yung pagkakasulat nito. Sobrang detalye, pero wag kayong mag-alala hindi siya nakakalito kasi may litrato ng chessboard kasama ang mga piyesa. Kaya bawat tira nila, masusundan mo.

Pinaka nagustuhan ko sa librong ito ay ang mensahe ng kwento. Hindi sa lahat ng oras panalo ka sa laro ng buhay. May mga pagkakataon di mo inaasahang mabibigo at masasaktan ka. Mabigat man sa kalooban, kailangan mo itong taggapin at tumayo sa sarili mong mga paa para makabangon ka muli. Tuloy lang ang buhay dahil sa bawat pagsubok, may matutunan ka at meron itong kapalit na biyaya.

Sana may susunod na kabanata pa para kay Dennis at Esther. Gusto kong mabasa yung buhay kolehiyo nila.

beatrice

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s